"Superstar"
© 2012 by Aril_Daine's Stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
--------
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
PLAY VIDEO WHILE READING.. ENJOY :)
“Don’t you remember you’ve told me you love me baby?”
I fell in love with this guy na hindi ko na maabot pa. Dati naman abot na abot ko siya. Parati ko siyang nakakausap. In fact siya pa ang unang kumakausap sa akin. Pero bakit ngayon hindi na?
Boy I’m still in love with you. I really do.
***
“Krissa! NAKUHA AKO!” tuwang-tuwa niyang balita sa akin. Niyakap pa niya ako at bakas talaga sa hitsura niya ang tagumpay! Ang tuwa! Ang lahat na! pangarap niya yan eh.
“Congrats Chris!” sa school, akala nila kambal kami dahil sa mga pangalan namin. Chris and Krissa ba naman tapos isama mo na yung magkakilala na kami since bata pa. Bestfriends na yata kami. Pero ‘di ko siya bestfriend, malamang close friend lang.
“Congrats? Yun na yun? Walang kiss na pang-goodluck man lang? Haha!” biro niya saakin habang nakatayo pa din sa harapan ko. Actually college na kami. We’re both 19.
“Sira! Kaya nila tayo parating inaasar gawa mo e!”
“Bakit ayaw mo?” medyo seryoso ang mukha niya sa tanong na yun.
Ang totoo niyan mahal ko na siya noon pa. Narealize ko yun noong second year college kami, noong nagkagirlfriend siya. Pero wala naman akong magawa kasi nga friends lang kami. Kaya kahit masakit tinanggap ko. Pero wala naman silang isang buwan parang 3 weeks lang yata sila. Kaya deep inside tuwang-tuwa naman ako noong naghiwalay sila.
“Yan ka nanaman sa mga tanong mong yan hahaha!!”
“Yan ka nanaman sa mga tawa mong yan.Alam mo Krissa para kang yung gitara ko” napaisip naman ako sa gitara na yan! Lagi niya yang sinasabi sa akin.
“at bakit naman gitara? Lagi mo nalang akong kinukumpara sa gitara mong yan ah!”
“Hahaha! Wala lang! Sige una na ako may practice pa kami nung banda. Manuod ka mamaya a! pag ikaw nawala malilintakan ka sakin! Wala kang libre!” diyan naman siya magaling eh! Ang pananakot sa aking walang libre! Mukhang libre na kasi ako! lagi akong nagpapalibre sakanya! Kaya minsan napagkakamalan talagang kami or minsan naman tinutukso kami na baka magkatuluyan daw kami which is imposible.
“Sus! Yun lang pala e! sure thing pating hahahaha!”
Si Chris ay isang magaling na gitarista at isama mo na yung maganda niyang boses. Tungkol sa ibinalita niya sa akin kanina, nakuha siya sa isang audition. Malamang contest sa TV. Sisikat tong kaibigan ko at sigurado ako doon! Sa hitsura niyang yan? Sa talent niyang yan? Siya na! AT PROUD AKONG KAIBIGAN NIYA AKO!
***
Nanunuod ako ng TV, dito ko nalang siya nakikita. Ang laki na ng pinagbago niya simula nung grumaduate kami. Ang daming nalilink sa kanyang artista. Lahat ng mga bigtime kilala na siya. kinaiinggitan ng batch namin. Madaming issues and yet ayan siya sa career niya, umaangat pa din.
Baby I miss you so much. Kilala mo pa ba ako? tanda mo pa ba ako?
Sabi mo babalik ka. Sabi mo pag naayos mo na ang lahat, babalik ka. Sabi mo babalikan mo ako.
***
“This song is for Krissa.” nagulat ako at kasabay nun ang hiyawan ng mga tao.
“Gitara ko!,” what’s up with gitara? Hindi ko talaga magets yang sinasabi niya “Para kang itong gitara ko” nakangiti niyang sabi sa harapan ng madaming tao. May event sa school namin at kelangan nilang tumugtog. Isa kasi sila sa pinakamagaling na banda sa University. Natutuwa ako dahil sikat ang kaibigan ko sa school namin. Kasabay ng hiyawan ay ang kanchaw ng mga tao sa paligid ko. Yung mga kaklase kong kasama ko. Nandyan yung may ‘yieeeeeeeeee’ nandyan yung ‘kayo na ba?’
“Pare! Pare! Eh bakit nga ba gitara?” tanong ni Elvis yung drummer, para bang pinaghandaan nila yung mga sasabihin nila, kasi lahat sila may sinabi kahit pa isang word lang ang nasabi ni Dylan “Kasi?”
“Kasi mahal na mahal ko.” lalong lumakas yung hiyawan ng mga tao. Yung iba sumisigaw pa talaga at yung iba nagbubulungan at hinahanap ako.
Nagsimula na silang tumugtog. Yung kanta ay yung BATA yung favorite song ko, ewan ko ba pero kinikilig ako everytime pinapakinggan ko yung song. May girl nga pala sa banda nila si Maddie. Mabait siya sobra at talagang ang ganda ng blending ng boses nila. Hindi naman nakakapangselos dahil si Maddie ay may boyfriend at yun ay si Dylan.
Pagkatapos nung intermission nila agad niya akong nilapitan at inilayo sa madaming tao. Ewan ko pero kinakabahan ako at natutuwa. Ewan ko ba pero hindi matanggal ang mga ngiti sa mukha ko.
“Ano? Gets mo na ba kung bakit Gitara?” nakangiti din siya ng wagas. Feeling ko kahit ang daming napapadaan ngayon na tao sa paligid ngayon, feeling ko kaming dalawa lang ang nandito.
“Krissa, I love you.” Hindi ko alam pero parang may fireworks sa dibdib ko, ang lakas ng naririnig kong kabog dito. Parang may echo pa nga sa tenga! Sobrang lakas! Parang walang lumilikha ng ingay sa kabilang ibayo. Parang nasa loob kami ng library.
“Krissa! I said I love you.”
“ah-narinig ko!” medyo naiilang ako na natutuwa. Hindi ko alam ang isasagot ko. Required ba na sagutin ko siya ng I love you too? Natigil ako ng ilang minuto bago ako nakasagot talaga.
Bakit ko patatagalin? Mahal ko naman. “I love you din” bulong ko.
“Hah? Paulit?” ewan ko kung di niya talaga narinig dahil bumulong ako o baka naman kasi gusto lang niya marinig ulit para manigurado?
“Ang sabi ko mahal din kita! Labo neto sige dun na ako ah. Kinakabahan kasi ako eh hahahaha!” aalis na sana ako kasi nahihiya na ako at talagang kinakabahan na ako pero hinila niya ako at saka niyakap.
“Walang bawian a!”
Naging kami ni Chris, naging usapan kami sa University ng mga ilang weeks din. Masaya hanggang sa kelangan na niyang magseryoso sa contest niya.
“Ayoko namang madamay ang privacy mo baby” Baby, yan ang tawagan namin. Corny pero yae na! sweet naman at kinikillig talaga ako hahaha!
“Okay lang for your career naman eh.”
Nag-umpisa yung contest, ang alam ng tao may girlfriend siya. Yun lang. Pero hindi nila kilala kung sino ako. Mga nasa university lang ang nakakaalam. Isa siya sa pinakamagaling sa contest na yun. Isa siya sa hinahangaan ng mga tao, ng mga kababaihan dahil sa hitsura niya. Madalas nagseselos na din ako dahil sa mga napapanuod ko sa TV. Ang daming nililink sa kanya na kasama sa contest, pero okay lang kasi wala naman siyang ginagawa sa kanila e. Lagi pa din naman niya ako tinitext at tinatawagan. Lagi niya akong pinapapunta kapag araw na ng live performance nila. Nandun ako parati para suportahan siya pero hindi ko naman malapitan sa dami na ng humahanga sakanya. Napag-iiwanan na ako.
Nalulungkot ako kasi ang tagal matapos ng contest na ito! But I can hardly wait to be with you again.
***
May interview siya ngayon. Mukhang ang saya talaga niya. Kelan mo kaya ako babalikan ulit at muling kakantahan gamit ang ginagamit mo noon na gitara?
Napangiti nalang akong mag-isa habang inaalala ang unang kantang inalay niya sa akin. Sana pwede pang ibalik ang mga nakaraan. Gusto kong ipakilala mo ako sakanila. Hindi yung tinago mo ako sa publiko. Hindi para maging sikat din tulad mo, kundi para alam nilang akin ka. Akin ka at hindi ka makukuha ng iba. Kahit pangalan ko lang sana ang sinabi mo sakanila. Okay na ako.
Pinatay ko na ang TV at ang radyo naman ang binuksan ko. yung new single niya yung nakaplay. Your guitar, it sounds so sweet and clear but you're not really here it's just the radio.
***
Hindi na ako aasa pang maalala niya ako. I’m happy na ngayon naabot na niya ang gusto niya. Baby I love you.
Binuksan ko ulit yung TV “So Chris may girlfriend ka ba ngayon?” ngumiti lang siya at sinagot ang tanong nung nag-iinterview sakanya “Wala.”
Wala. Tama. Wala nga naman siyang girlfriend.
“As in? Sa gwapo mong yan? So paano yung mga nalilink saiyo? Si Jessa? Hindi ba nililigawan mo siya?”
“Hindi po, focus muna ako sa career ko sa ngayon.”
“So minamahal meron ba?” yan naman ang hinihintay ng lahat ng mga babae sa studio.
Ngumiti lang ulit si Chris at sinagot ang tanong sakanya “Wala po.”
Wala daw. Mabuti na ding wala kesa meron.
"Eh yung nababalitaan naming college sweetheart mo? Hindi ba’t may girlfriend ka noong nagsisimula ka palang?”
“Hahaha!” tumawa lang si Chris, lagi naman, pag ako na ang involve tumatawa nalang siya at hindi makasagot. Pinatay ko na yung TV at nag-ayos ng gamit para umalis.
I wonder
Where are you again tonight
Are you holdin' someone else real tight?
Ako ang nakipaghiwalay sa kanya noon. Napabayaan na kasi niya ang relasyon namin. Hindi na ako Masaya. Pero masakit sa akin na pumayag siya. Nag-expect akong pipigilan niya ako, pero hindi pala. Nag-expect akong hahabulin niya ako, pero hindi pala.
Chris, I’m still in love with you.
Don't you remember you told me you loved me, baby
you said you'd be comin' back this way again.
I wanna be anywhere you are Chris. Sana maalala mong minsan sinabihan mo ako ng mga katagang mahal kita. Kasi mahal pa din kita.
“Ate naman pinapanuod ko si kuya eh!” yung kapatid kong diehard fan ni Chris. Paalis na ako nung narinig kong may itinanong pa kay Chris.
"So describe mo yung taong mahalaga sayo ngayon in one word”
Sino nga ba ang taong mahalaga sakanya ngayon? Siguro siya ang inspirasyon niya ngayon.
Kung sino man siya ang swerte naman niya, ang bait ni Chris eh.
“hmmm,” medyo nag-alinlangan pa siya.“Sana hindi siya nanunuod ngayon, nahihiya ako e” kasabay nun ang tawanan ng mga tao sa studio
Sus! Baka naman kasi hindi lang yan mahalaga? Baka may kasama pang MAHAL yan? Diin nung nagtatanong.
“Hahaha! Oo nga eh!” napakamot nalang siya sa ulo.
“So ano na yung one word?”
“Siya ay isang”
“Gitara”
---
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
comment kayo ah :) sana nagustuhan niyo.
HTML Comment Box is loading comments...