"Photograph"
written by: aril daine
© 2011 aril daine stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
--------
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
© 2011 aril daine stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
--------
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
Ang mga nakalipas ay di na mababalikan
Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan nalamang
Di na mauulit pero pwedeng mangyari ulit.
Mangyari sa ibang bagay, sa ibang tao.
Ilang taon na nga ba ang nakalipas?
Ilang tao na ba ang nakilala?
Ilang tao na din ba ang nalimot?
Mga pangyayaring hindi na sila kasama sa buhay ko?
Pagbukas ko ng photo album
Naalala ko sila.
******
Naalala ko pa, ito yung unang araw na nakita ko siya. Ito din ang araw na nabuo ang barkada namin.
Mahilig akong kumuha ng pictures kaya naman kinuhanan ko agad ng picture ang sarili ko habang suot ko ang uniform ng school na pinapasukan ko. I even took photos of our campus building and all over the place, took pictures of students passing by.
Pumasok na ako sa room ko, and there I met Katherine, my first friend. Ilang araw ang nakalipas at nabuo ang barkada. Ang pagkakaalala ko lagi kaming napapagalitan dahil masyadong maingay ang grupo namin sa klase.
At syempre mawawala ba naman ba ang first crush sa school? No right? Syempre hanap kaagad ng pogi ganyan naman lagi eh.
My life as high school student just started. Sabi nila you will never know kung makakaclose mo man ang taong gusto mo. Totoo naman eh, kung crush mo, crush mo lang, no more no less. Ang crush tinititigan lang yan. Yan ang gawain namin ni Katherine.
At syempre mawawala ba naman ang mga nakaw na litrato? Mga nakaw na kuha? Hindi ah :) madami ako niyan.
******
Second year high school
That was the first time I felt something weird.
Nareshuffle ang sections, nahiwalay ang mga kaibigan ko pero still, Katherine was with me. Kaya naman super saya. at akalain bang classmate ko siya! Sino pa? edi yung unang crush ko! Si GINO! Napakasaya ko nung unang araw ng klase, kasi nga may chance na akong makilala siya. Ang dami kong hirap malaman lang ang pangalan niya nung first year pa kami, Super crush talaga namin yan ni Katherine. As in!
One time, Siya ang partner ko sa project kaya naman naging close kami. Kinikilig ako everytime kasama ko siya, girls envied me so much. Kasi he is approachable, sweet at mapagbiro. Every lunch break lagi siyang sumasabay sa amin. And that was so kilig haha. We became friends; nadagdag siya sa barkada namin and I think I’m starting to fall for him.
Pero dahil second year palang ako, never ko pang inisip na I’m in love with him. Bata pa ako I think I was around 14 years old back then. Never ko pa naman naisip ang mag boyfriend noon.
Second year... halos siya na lagi kong kasama, my friends were jealous kasi napapabayaan ko daw sila. Paano? Tuwing uwian di na ako sumasabay sakanila kasi lagi akong hinahatid ni Gino. Di naman ako nag isip ng kung anu-ano kasi same way lang din naman kami.
We we’re second year high school student when he said that:
“Sa tingin gusto kita”
I was so shock that time. Di ako makareact. Tapos siya? Tumakbo lang.
The next days were awkward, shy siya, at ganun din ako. However, we’re still talking kasi makakahalata yung friends namin.
Pero hindi naman nagbago ang pakikitungo niya lagi pa din niya akong hinahatid.
At katulad ng dati di ko pa din mapigilan ang hobby ko na pagkuha ng litrato lalo na pag masaya ako. yeah masaya ako na sinabi niyang gusto na daw niya ako.
*****
Third year High school
Lumabo na ba? O selos lang?
Itong taon na ‘to ang masasabi kong isa sa pinaka magulo. Why? kasi that was the time na nagkaroon na ako ng suitors. Well Gino never courted me I guess. Di ko nga alam kung gusto pa niya ako so I entertained suitors ayokong umasa, ayoko nun. Baka masaktan lang ako.
Katherine advised me that. Yeah she was the one who told me to entertain them and she said that baka masaktan lang daw ako kung patuloy akong aasa kay Gino.
Pero, Gino and I were still friends. I love him, but not as a friend. I completely fell for him.
Ang totoo niyan naging cold ang treatment niya sakin. I am clueless, dahil ba may suitors? So I asked him personally, I asked him why? Kung bakit siya ganun. Kung bakit di niya ako kinakausap.
I remembered exactly what he said:
“NAKAKAINIS KA NAMAN KASI! I TOLD YOU I LIKE YOU! Pero ginagago mo naman ako eh, bakit ka nagpapaligaw sa iba? PINAPAASA MO LANG BA AKO?”
“I love you”
Yan ang mga narinig kong sagot mula sakanya.
Mahal niya ako.
Niyakap ko siya, and I told him how much I love him. I really love him.
Third year we are officially on.
*****
Fourth year
Masaya at malungkot
Ganito pala feeling ng may Boyfriend, napaka caring niya at alam niyo ba yung feeling na parang siya na talaga, na he will never leave you at lagi ka lang niyang aalagaan? Well ganun ang feeling. We had small fights super small na matatawa ka nalang pag naaalala mo. Lagi naman ako yung masungit. Ayoko kasing nagugutom nakakainis yun madali ako mairita pag gutom, kaya naman minsan pagkain lang ang pinag-aawayan pa namin. Funny right? Pero totoo.
Fourth year high school, Ito yung nag-umpisa na kaming mag-isip isip ng schools. Gusto niya sa ganito, gusto ko naman doon. Wow! So magkaiba pala ang gusto naming school. Napaisip tuloy ako, paano yun? What if college na kami? Edi magkahiwalay na kami? Di ko na siya gaano makikita? What if doon nalang din ako sa school?
Pero naman! Ayoko naman dun >___< di ako bagay doon. Palibhasa siya matalino, ako hindi gaano TT__TT it sucks.
Sumapit na ang oktubre nagsimula na ang mga entrance exams. Pare-pareho kaming kumuha ng mga exams sa pare-parehong schools.
Lumipas ang buwan masaya pa din naman.
January, sa gusto kong school, nandun ang pangalan ko sa mga nakapasa. Nandun din naman si Gino, pero syempre hihintayin pa niya yung ibang schools na kinuhanan namin ng pagsusulit.
Ilang buwan na lang ang natitira na makakasama ko sila sa school na ‘to. Tuluyan na namin iiwanan ang paaralan na ito kung saan nabuo ang barkada, pati na din ang unang pag-ibig.
Bakit kasi kelangan maghiwa-hiwalay? Pwede namang hindi diba?
Masama na kung masama, pero nanalangin ako na sana wag na siya pumasa sa gusto niyang school. Masama ba? Pero totoo naman eh gusto ko siya makasama sa iisang school lang >.<
Pero, nabigo ako. Masayang masaya siya noon at sinabing:
“BABE! Pasado ako!!”
I was like “O___O” nalungkot ako pero masaya na din kasi pumasa siya sa gusto niyang school.
Sumapit na ang march. Gagraduate na kami. :(
Malungkot pero kelangan tanggapin. Lilisanin na namin ang school na ‘to.
Masaya naman ako kahit papaano kasi kasama ko ang iba kong kaibigan. Well not for Katherine sa ibang school siya, sa school na gusto din ni Gino.
Buti pa sila magkasama, kami hindi :((
Fourth year... Ito ang huling taon na magkakasama kaming buo pa...
Fourth year… Ang pinakamasaya at malungkot na taon ng high school life.
Fourth year :((
******
College Life
Struggles
College simula na ang impyernong buhay. Mahirap, masaya, at the same time malungkot. Para sa akin lang ah ewan ko sa iba. May mga kaklase akong gusto akong ligawan, pero syempre hindi pwede may boyfriend ako and I love him. Pero lagi na kasi kaming busy nawawalan na kami ng time sa isa’t isa. Minsan nga wala pa kaming communication.
Ang labo na, parang nawawalan na ako ng gana. Parang ayaw ko na, parang nawawalan na din ako ng tiwala sakanya.
Dati rati lagi niya ako tinatawagan, pero now? Asa pa! ni text wala. Bakit ganun? Ayaw na ba niya? May problema ba kami?
Actually second year college na kami, and yeah kami pa din pero parang anlabo na talaga. Akalain mong nagtagal pa din kahit na parang hangin nalang kami sa isa’t isa? Wow! Masakit pero yun ang katotohanan.
Second year nung nawawala na ang feelings ko sakanya, Second year when I met someone.
Second year, when I discovered that, HE and KATHERINE had an affair.
Second year, when we broke up.
Second year, nung nabuwag ang barkada.
Sad right? Nakakainis pero kelangan ko itong tanggapin na, My Bestfriend and My boyfriend cheated on me.
The “someone” that I met comforted me that “someone” also became my second lover.
That time I felt secured I felt loved by someone, I felt his care.
___________
Graduation
Sorry
Nung naghahanap ako ng kung anu-ano I saw Gino’s pictures. Wow. Wala na yung sakit I completely moved on. May iba na ako, may Katherine na siya
Graduation I was surprised when I saw them. Nandito sila^___^ buo ang barkada. Nice, Naalala ko pa yung group hug.
That night Katherine and Gino Apologized.
“Sorry”
The word that I’ve been waiting for.
“Friends?”
Still I’m waiting for that
And worth it naman ang paghihintay ko...
I heard them apologized and I accepted it.
Graduation ...
We took photos together. Yung buo kami.
*******
Hinahanap ko yung invitation, and there I saw it na.
Nag-ayos ayos ako...
I went to Gino’s and Katherine’s wedding.
Wow.
I watched them made their vows.
I’m happy for them.
Nung natapos na nagpunta na kami sa reception.
Ang saya nilang tignan, pero minsan iniisip ko pa din..
What if Kami pa din ni Gino?
What if nagpursige ako sa pag-aaral makapasok lang din sa school niya?
What if kinuha ko yung letter galing sa school niya na nagsasabing pasado siya?
What if lang naman....
Nakaupo ako ngayon, lumapit sa akin si Gino...
“So how are you?,” tanong niya.
“I’m fine” I answered.
Wow! Ngayon ko nalang ulit siya makakausap...
“Alam mo ba iniisip ko...what if tayo pa kaya?” tanong niya.
“Hmmmm hindi ko din alam” sagot ko.
“Nagselos lang kasi ako noon, kaya naman I cheated on you” he said.
What???
“Never mind, I learned something,” he said.
“What is it?”
“Don’t judge the one you love,” he said.
“What do you mean?”
“I thought you’re having an affair with your classmate that time. So I used Katherine”
“Oh... that sucks..pero okay naman na eh. You love her right. I love my husband more than anyone”
“Yeah... I know” he said.
Then he went to Katherine’s side again...
Yeah, nauna akong kinasal....
I love my husband and may isa na akong anak...
Ang dami kong nakuhang pictures sa kasal nila :)
_______________________________________
I closed our Album
Our memories
By the way, I am Aliyah Madrigal.
Naniniwala ako sa First love never dies. Yeah, Hindi naman dahil sa mahal ko pa si Gino, pero mahalaga pa din siya sa akin as a friend of course.
And also,
My best friend :))
Parte sila ng buhay ko na hindi dapat kalimutan, Kaya naman nagpapasalamat ako sa kanila dahil I met my husband.
--The end--
No Softcopies, Stop Plagiarising!
HTML Comment Box is loading comments...