"Bestfriend"
© 2012 by Aril_Daine's Stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
--------
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
Play Video while reading :))
May bestfriend akong babae. Kababata ko yun.
Anak siya nung kapitbahay namin.
Simple siya, mabait, di naman masyadong matalino di din naman boplaps.
Basta mabait siya saka may pagka-sweet.
Lumipat kasi sila dito noong sampung taong gulang lang kami.
Eh nagkataon ako yung una niyang nakilala kaya ako yung lagi niyang ginugulo.
Minsan nga natutulog pa yan sa bahay namin.
Pero ngayon di na masyado.
Sabi niya, pangitdaw kasing tignan na natutulog pa siya sa bahay ngayon, kesyo dalaga na daw siya at baka iba daw ang isipin ng mga tao sa paligid namin. Minsan nga kinakanchawan pa kami ng mga magulang namin. Bakit daw di ko nalang ligawan si Camille? Pwede naman daw sabi ni Tita Chris.
Sabi naman ng nanay ko botong boto naman daw siya kay Camille, ganun din naman daw si tita sakin.
Sabi nga din ng barkada ko kulang nalang talaga yung kiss samin ni Camille, minsan kasi naghahawakan kami ng kamay pero hanggang hawak lang naman walang malisya sa amin? natural wala lang yun, pero sa mga nakakakita kasi meron daw. Mapangyakap din kasi itong si Camille kaya ayun minsan may mga issue tungkol saamin pero natigil naman yun nung nilinaw namin na hanggang bestfriends lang talaga kami.
Sa ngayon, first year college kami sa parehong University. Pitong taon na din kaming magbestfriend nitong si Camille. Sabay pa din pumapasok, pero minsan hindi din kami sabay dahil sa schedules namin.
“Kurt! Omygaaaash!!! May sasabihin ako sayo!! ” may patalon-talon pa siya sa kama saka ako niyakap sa likuran ko.
“Ang gulo mo naman Camille! Naglalaro ako o!” suway ko sa kanya.
“Tetris na naman! Mabali sana mga daliri mo! Pero alam mo ba bestfriend!” pahayag niya.
“Natural! HINDI PA! eengot engot nanaman ‘to”
“Sus! Sungit naman neto! Pero alam mo kasi Kurt! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!” tinakpan ko yung tenga ko dahil sa nakakabingi niyang sigaw.
“Ano? Ang daming patagal!” bumitaw siya sa pagkakayakap sakin kaya inikot ko na yung upuan ko at humarap sakanya, nakaupo na siya sa kama ko.
“Kasi alam mo ba!!! HE ASKED ME OUT ON A DATE! OMYGASH! Tell me im dreaming! Alam mo namang all time crush ko yun ngayong college diba? ni minsan walang nagaaya sa akin ng date, dahil lagi kitang kasama nung high school, pero ngayon OMG talaga! Kahit na alam niyang close tayo ayun siya at naglakas ng loob, sabi niya kasi sobrang sweet ko daw, na ang bait ko daw tapos sabi pa niya ang ganda ko daw!” ngiting-ngiti siya habang kinukwento yan, nakikita ko yung excitement sa mga mata niya.
“Sus! Naniwala ka naman? Ang pangit mo kaya! Tapos brutal ka pa, di ka din mabait” tinalikuran ko siya saka bumalik sa paglalaro ko.
Putek,di nga? Bakit ba siya excited doon? Nababaliw na ba siya? ni hindi nga niya masyadong kilala yung sinasabi niyang crush, Putek talaga.
Teka nga? Bakit ba ako naiinis? -___-
“Aray naman Camille!” batuhin ba naman ako ng unan! Masakit yun ah! Sapul yung ulo ko binato ko lang din sakanya yung unan.
“ARAY KURT! DI KA GENTLEMAN! NAKAKAINIS KA NGAYON AH! Parang nagsasabi lang ng saloobin e! bwisit talaga >_<” madami pa siyang binulong na hindi ko narinig.
Eh sa naiinis din ako ngayon sakanya.
***
Ilang araw din niya akong hindi kinukulit, hindi din niya ako pinapansin at kinakausap. Maski nga sa text wala din!
“Takte talaga pare, parang yun lang naman ang sinabi ko nagalit na siya!” sabi ko sa mga kasama ko.
“Magsorry ka na kasi, ikaw ang may mali eh!” umiinom kami ngayon nung barkada ko.
“Bakit ako magsosorry? Wala naman akong ginawa. Dami naman kasing lalaki dyan, yun pang maangas na yun! Maangas kaya yung sinasabi niya.”
“Selos ka lang yata pare eh hahahaha!!” pinagtatawanan pa ako ng mga loko.
Selos? Selos nga ba ako?
“Sabihin mo nga, Pag nakakatext mo ba si Camille pare anong nararamdaman mo?” tanong nila.
“Wala, pero minsan napapangiti ako sa mga Good morning niya.”
“Aysus! Good morning daw Pre! Paano pa kaya pag I love you na yun? Hahaha!”
“Gago! Huwag nga kayo! Bestfriend ko lang yun!”
“Deny ka pa! mahal mo na noh?”
Mahal ko nga ba si Camille? Natural naman siguro na mahal ko na siya kasi nga Bestfriend ko siya.
“Ikaw din pare baka magsisi ka, maunahan ka ng iba diyan. Kung mahal mo sabihin mo nalang baka mamaya wala ka ng Camille sa tabi mo, nasa tabi na siya nung maangas na sinasabi mo.”
Hanggang ngayon naalala ko pa din yung mga sinabi nung barkada ko.
Mahal ko na nga yata talaga si Camille.
***
“Bakit ka nag-iisa dito Kurt?” siya yung babae na kaklase ni Camille.
“Wala, hinihintay ko si Camille.”
“Si Camille? Umuwi na! Kasama niya si Jay kanina.”
Hatid sundo na din pala siya nung gago.
Umuwi nalang ako saamin.
Nung nasa tapat na ako ng bahay nila nakita ko siya kasama nung Jay, wagas kung makatawa. Akala mo naman walang bukas.
Psh.
“Pare, too late ka na talaga hahaha”
“Sige pa, Pagtawanan niyo pa ako.”
“Gago! Malay mo may feelings pala yung Camille sayo! Sabihin mo pa din!”
"Tanga ka ba? Masaya na nga siya oh! I’d rather be her best friend than nothing at all”
“Tanga! Gago! May tinatawag namang Risk!”
“Yun na nga! Anong iririsk ko? Yung pagiging magbestfriend namin? Paano pala kung hindi niya ako gusto?! Edi nawala yung samahan namin! Yung pitong taon mawawala lang na parang isang bula, dahil sasabihin ko sakanya yung I LOVE YOU? Gago ka din e.”
“Oh ano? Panunuorin mo na lang pala ganun?”
Malamang ganun na nga lang siguro ang gagawin ko. Bestfriend ako e, support ko na lang kahit na ayaw ko dun sa kasama niya.
Kasi ang bestfriend umiintindi.
Pero dapat ang bestfriend pag may nakikita nang mali sabihin na, kasi hindi na yun pagiging bestfriend. Pucha naman! Saan nanggagaling mga iniisip ko?
***
Ilang araw pa ang lumipas, nasa tabi ko na si Camille. Nakangiti siyang nagkukwento sa akin.
“Alam mo ba, hindi ko naman first love si Jay eh! pero natutuwa ako sakanya, tingin ko nga in love na ako sakanya! KURT!!! Sasagutin ko na siya ah!” nagpakawala ako ng isang pekeng ngiti. “Kung saan ka masaya edi sige!”
“Yieee!! supportive mo talaga bestfriend, at dahil dyan bibigyan kita ng reward!” napatingin ako sa kanya at sakto naglapat ang mga labi namin.
“Promise hindi ko sinasadya!” paliwanag ko, nakikita ko sa mga mata niya na gulat na gulat siya.
“Camille, ano sorry!”
“Ahahaha ano ka ba! Ako dapat yung nagsosorry, Sorry” saka siya tumakbo palabas ng kwarto ko.
Putek! Kasalanan ko pa ba yun? Di ko naman sinasadya. Pero shete! Ang lambot pala ng lips niya. Kahit na saglit lang na nagkadikit yun. Putakte naman! Napapangiti ako ng wala sa oras!
Mahal ko na nga talaga siya.
Hindi, matagal ko na siyang mahal siguro kahit nung inosente pa kami.
Mahal ko na pala siya noon pa.
***
Ilang buwan pa ang lumipas, halos hindi na niya ako kinakausap dahil may Jay na siya. Kapag lumalapit naman siya sakin naiinis ako. Lalo na kung Jay lang din ang bukambibig niya, minsan hindi ko maiwasan na mapakita talaga sa kanya yung pagkainis ko, minsan na din niya akong natanong kung nagseselos ba ako. Sumagot naman ako ng OO pero tinawanan lang niya ako. Akala yata niya nagjojoke lang ako.
Kahit papaano pala mahirap yung magkaroon ka ng babaeng bestfriend. Minsan gusto ko siyang yakapin o kaya hawakan ulit ang mga kamay niya pero hindi na pwede, may boyfriend na siya eh. Si Jay.
Si Jay na maangas. Si Jay na laging pabida kay Camille, si Jay na ni minsan talaga hindi ko makakasundo.
“Kurt,” lumapit sakin yung kaibigan ni Camille.
“Umiiyak ka ba?” hah?! ako umiiyak? Bading naman, pinunasan niya yung luha ko.
“May problema ba?” umupo siya sa tabi ko. “Pwede mong sabihin saakin. Siguro nandito ka ulit para hintayin si Camille nuh? Wala na e, umuwi na siya kanina” siguro kasama niya ulit si Jay. Lagi naman.
“Ano nga kasi ulit pangalan mo?” tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya saakin saka sumagot, “Jessica at your service po ser! Kaya pwede mo muna sabihin sakin, huwag kang mag-alala hindi kita gusto. May boypren ako noh, medyo nahahalata ko lang kasi yung mga kilos mo, alam mo na, close kami ni Camille eh.”
“I fell in love with my best friend.” natatawa kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. “Halata naman eh,” tumayo siya at nagpatuloy “Umiiyak yung bestfriend mo ngayon, Comfort her.”
Pagkasabi niya nun agad akong tumakbo para puntahan si Camille sa bahay nila. Nagkukulong lang siya sa kwarto niya.
“Camille!” pinagbuksan niya ako saka niya ako agad niyakap.
“Kurt tama ka, gago siya ang gago niya talaga” umiiyak lang siya, hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Gusto kong iparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya. “Kurt bakit kasi kita bestfriend? Sana hindi nalang kita bestfriend”
“Sinaktan ka ba niya?” umiling lang siya. “Nasaktan ko siya” she burst out.
“Kurt naiinis talaga ako sayo! Naiinis akong bestfriend kita! Sana kasi hindi na lang. Sana kasi normal lang, sana kasi hanggang kapitbahay na lang kita, kaklase at schoolmate! Hwag na kasi sanang bestfriend”
“Hindi ka makaramdam! Pero natatakot din ako na baka layuan mo ako pag nakaramdam ka na.”
“Kurt, huwag mo ko lalayuan please, huwag please.” niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit.
“Hindi kita lalayuan” sagot ko sakanya, nakatago yung mukha niya sa dibdib ko.
“Promise? Kahit pa sabihin ko sayong ayaw na kitang maging bestfriend?”
Aray.
Bumitaw siya sa pagkakayap sakin kaya napabitaw na din ako.
Masakit din palang sabihin na ayaw na niya akong maging bestfriend.
Akala ko naman masakit na yung nakikita ko siyang masaya sa ibang lalaki.
Masakit din pala tong ganito.
“Bakit? May nagawa ba akong kasalanan?” tanong ko sa kanya.
“Manhid ka talaga!” kumuha siya ng unan sa kama niya at saka binato saakin na nasalo ko naman.
Umupo siya sa kama niya kaya umupo din ako sa harapan niya, tinatanggal ko yung mga kamay niyang pinantatakip niya sa mukha niya.
Umiiyak nanaman siya.
This time mas malala yung iyak niya.
Parang natatakot sa kung ano mang gusto niyang sabihin.
“Bakit ayaw mo na akong maging bestfriend?” tanong ko sakanya, kasi maski ako ayaw ko na siyang maging bestfriend. Kasi nasasaktan akong makita siyang masaya siya sa ibang lalaki maliban sakin.
Baka mamaya niyan bati na sila ni Jay, edi wala nanaman akong role.
Halos tanggalin na nga ang pagiging bestfriend ko sakanya.
“Yun ba talaga ang gusto mo?,” tumayo ako at naglakad na papalayo sakanya.
“Kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita.” binuksan ko ang pintuan at saktong palabas na ako nang bigla niya akong sinigawan,
“Ang gago mo!!! Ayaw na kitang maging bestfriend, kasi mahal na mahal pa din kita!”
--The End--
NO SOFTCOPIES. STOP PLAGIARISING!
comment kayo hihihi <3
HTML Comment Box is loading comments...